Nagse-Search Lang Ako, Pero Kumita Na Ako ng Gift Cards
Microsoft Rewards: Paano Kumita ng Points Habang Ginagamit ang Microsoft Services
Alam mo ba na puwede kang kumita ng mga puntos habang ginagawa mo lang ang mga normal mong online na gawain—gaya ng paghahanap sa Bing? Ito ang tinatawag na Microsoft Rewards.
Ano ang Microsoft Rewards?
Ang Microsoft Rewards ay isang free loyalty program mula sa Microsoft kung saan binibigyan ka ng puntos kapalit ng paggamit ng kanilang mga serbisyo at produkto. Wala kang kailangang bayaran para sumali—kailangan mo lang ng Microsoft account.
Paano Kumita ng Points?
* Nagse-search ka gamit ang Bing search engine
* Gumagamit ka ng Microsoft Edge browser
* Sumusubok ka ng mga quiz at daily tasks sa kanilang dashboard
* Bumibili ka sa Microsoft Store (optional ‘to)
Kapag nakaipon ka ng points, pwede mo itong i-redeem sa:
* Gift cards (e.g. Puregold, SM, Rustan's, Robinsons, Landmark, Zalora)
* Food vouchers (e.g. Max's, Krispy Kreme, The Bistro Group, Vikings
* Donations (kung gusto mong i-donate ang points mo)
* Game Card and Coins para sa gamers! (Roblox, Overwatch, Sea of Thieves)
Tips Para Mabilis Kumita ng Points
* Gawin ang Daily Set – Ito ang tatlong gawain kada araw na madaling matapos.
* I-maximize ang Search Limit – Araw-araw, may limit kung ilang searches ang may points, kaya sulitin ito.
* Sundan ang Weekly Streak – Kapag tuloy-tuloy kang aktibo, may extra bonus points ka.
Bakit Sulit ang Microsoft Rewards?
Kung gumagamit ka na ng Bing at Microsoft Edge, sayang naman kung hindi mo kukunin ang libreng points. Isa itong smart at practical na paraan para kumita ng rewards nang hindi gumagastos ng extra.
Kung handa ka nang magsimulang kumita ng libreng rewards habang ginagawa lang ang mga normal mong online na gawain, huwag mo nang palampasin ang chance na ‘to. Libre lang mag-sign up at mabilis lang ang proseso! ✨
👉 Mag-register gamit ang link na 'to: Microsoft Rewards
Simulan mo na at baka sa susunod na linggo, may gift card ka na agad! 🎁

Comments
Post a Comment